NANAY NA HINDI BINIGYAN NG KAHIHIYAN ANG MGA ANAK

By avocadabrew

good evening! nanay ko lang ba 'yong ganito? puro utang simula nung bata kami tapos hindi naman namin alam kung saan napupunta 'yong inuutang niya. ngayon na malalaki na kami ganon pa rin ang ginagawa. may utang siya na sa'kin naka pangalan at hanggang ngayon hindi siya nag babayad tapos ako ang sinisingil. blinock niya ako sa mga account nila nung kinakasama niya at hindi siya nag r-reply sa viber. nakaka init ng ulo 'yong puro siya pangako pero pag dating nung araw na pinangako niya ang dami niyang dahilan. iniisip niya 'yong kahihiyan nung lalaki na kinakasama niya pero never niya inisip 'yong kahihiyan na makukuha naming mga anak niya. mas mahala pa 'yong lalaki niya kesa sa'min. pa'no ba masisingil 'yong ganon na nanay? ang hirap kausap at walang isang salita.

Read the full piece on ventout