Kapatid
By catoxpe321
Yung bunso kong kapatid naiiinis ako, lahat binigay na namin, pinatigil na namin siya mag college kasi ayaw na daw nya at HINDI nya kaya. Sinunod nmin gusto nya Multi-media arts, go lng. Nabagsak, ayaw na daw niya. Gusto daw mag IT, pina IT namin, nahirapan sya ayaw na nya.
Ngayon tambay nlng siya, di siya makakita ng trabaho kasi wala din syang skills.
Ngayon ginagawa nya nakatira lng sa boarding house ng jowa, nagbabayad jowa nya na callcenter sa lahat, yung kapatid ko? Palamunin. Naaiiinis ako 24 na siya.
Worried ako kaya ako ganito. Kasi kung wala akong pakialam, hnd na sana ako worried.
Isa pa i offered her na ako magbili ng cp kasi wala syang cp, kasi sinasangla nya kasi kailangan nya ng pera. Ganun sya ka one time millionaire. One time nag offer ako cp 5k. Sinabihan ba naman ako na cancel kasi may nkitang mura.
Eh alam ko gusto nya eh. Iphone na 17 50k plus kaya yun ang kapal ng mukha nya na wala pa syang pera tapos ganun yung gusto.