I love you, but I need space.
By crazyaxolotl
May mga pagkakataon talagang mapapagod kang magmahal ng mahal mo. Pakiramdam ko kasi na sinusubukan ko laging paliitin yung needs ko sa relationship namin dahil alam kong ayaw niya yung ganito at ganyan. Sinusubukan kong intindihin siya. Pero nakakapagod din palang umintindi. May hangganan din pala. Kaya humingi ako ng space sa kanya. Dahil hindi na kaya ng emotional aspect ng buhay ko na magpatuloy kami ng ganito. Gusto ko munang huminga. Gusto kong magpahinga.