Mahirap na talaga humanap ng bagong kaibigan pag 30+ ka na?
By mangojus
Meron pa naman akong friends pero may mga pamilya na sila. Yung iba naman may boyfriend or fiancé. Ako na single, hirap minsan pag may gusto ka ilabas na sama ng loob, gusto maaya gumala, kain sa labas or kung ano pa. Okay naman akong single ako, alam ko din naman sa sarili ko na hindi pa ito yung tamang panahon at at estado ng buhay ko para pumasok sa relasyon. Wala naman masama kung hahanap ka ng bagong kaibigan diba? Makakausap mo, makakaramay mo sa mga problema. Ganun naman ang kaibigan diba?
Sinubukan ko naman, sumali ako sa mga community, nag meet ng bagong tao. Naghanap online. Pero wala eh. Kadamihan sakanila relasyon ang gusto. Nakakainis pa minsan sinabi mo na hindi ka naghahanap ng relasyon pero ipipilit. Or iba naman sasabihin kaibigan lang din hanap pero may balak naman pala. Ang pinaka malala eh ang hanap daw kaibigan pero pag nagkita na kayo at hindi ka niya type hindi na magpaparamdam na para bang wala kayo pinagsamahan. Minsan may makakausap ka nga pero ang dry naman