Kupal AKO
By ja08
Kinakapalan ko nalang talaga mukha ko eh haha! Matanda na ako, nakatira padin ako dito sa bahay ng "magulang" ko. Tapos palagi Lang ako dito sa kwarto, hindi ako nag papakita sakanila kasi ayoko silang kausap. Lalo na yung nag luwal sa akin kasi lahat naman ng sabihin ko at gawin ko eh mali at masama para sakanya, tapos yung tatay ko naman at mga kapatid ko mga enablers naman, hindi nila iko call out yung nanay nila kahit maling-mali yung ugali niya kasi para "wala nalang gulo". Kinakapalan ko mukha ko kasi hindi ko afford bumukod hahahaha!! No wonder kaya din mababa tingin at turing nila sa akin kasi alam nila na wala naman ako maipagmamalaki talaga sakanila. Di tulad nang ibang anak nila na angat sa buhay dahil nasa ibang bansa, eh ginastusan nila para makarating sa abroad eh hahahaha!